there exists a place a place hidden beyond beyonds a small world living on its own a world where dreams are born where short thoughts reach the highest and dive the bottom of the deepest. a place of place where the tiniest worlds meet where journeys start to nowhere a place of roses where beauty blooms and love springs a place somewhere beyond borders of men a place they call their own, their dearest alma mater the place they love to call its name a place called ... PCC!

 

Tula ni Batman

matagal nang panahon, una tayong nagkasama
nagdaang kahapon, ng barkada't eskuela
biruan at tawanan, kay sarap balikan
asaran at tampuhan, di rin malimutan

sadyang nakaukit, araw ng paghihiwalay
may kahalong pait, may kasamang lumbay
pangarap, mithiin; nais na marating
kahit na may balakid, pilit ring aabutin

araw ay nagdaan, mga buwan at taon
tamis ng pagkakaibigan, sa limot di ibinaon
dumating ang sandali, ng muling pagkikita
hatid ay ngiti, ng ligayang dala

at kung magkakalayo, muling magwawalay
may lungkot sa puso, may kirot na taglay
ngunit bawat gunita, ng kahapong masaya
kaibigang sinta, sa atin ay paalala
na ang ating buhay, ay mayro'ng halaga
dahil sa pagtangi, ng matalik na kasama.

1