"BEHIND THE PAGE"
the following text is in taglish. if you require translation please call our group leader tony at +971 50 7935056
1st meeting
august 6
al hana centre (satwa)
nag brainstorm ang group sa al hana centre. na-decide ang hitsura na main page.
pero mga ibang page no idea pa.
suggestion lagyan ng horoscope :D o kaya naman
eh things about constellations/stars…
kasama ba siya sa final output ng group?
browse ka pa para malaman mo :P
pinaka maraming gagawin
si
henry.
buti na lang nag
volunteer. Di namin pinilit yan ha :P nag volunteer lang talaga. pramis.
heto mga pictures sa unang meeting ng grupo.
sa unang meeting may blooper isang member.
nakalimutan ni
carlo magbayad sa chips na kinuha niya sa café.
buti na lang meron siyang parang "tatay"… sir tony!!!!
2nd meeting
august 8
al hana centre (satwa)
para sa inyong kaalaman si
lily po ang aming meeting coordinator. mapapansin nyo na sa second meeting
namin eh sa al hana uli. kasi po eh malapit sa flat ni lily
:D nag react na si
bheng
gusto niya sa al rigga naman kaso medyo di siya successful.
mas malakas bargaining skills ni
lucy eh. kaya sa karama ang next meeting.
mas marami rin ang nag attend this time. siguro tinakot ni lily
:D pero naintindihan namin kung bakit ginawa niya yan.
baka yan directives ni
ka tony (ang aming pinuno)
etong second meeting namin eh isang floopy jinx day.
di mag work ang floopy disk ng laptop na dala ni
ye. tapos ng nasa sa internet café naman
eh medyo dispalinghado ang floopy drive ng pc na nakuha
namin.
ayaw mag eject ng floopy disk. buti na lang naimbento ang ballpen.
aside from pansulat it can help din pala eject a disk trapped inside the drive.
si
henry ang nag present ng group page index. syempre. kasi siya gumawa. minor change lang.
almost perfect na-execute niya ang creative brief ng group… pero un trips na star "gif animation"
ni vice president
nourley eh di nalagay. tingnan natin kung ma pressure
niya si henry na ilagay un hehehe.
si
eddie at si
nandy. medyo tahimik. pero medyo lang ha.
medyo nakapag aalala nga kasi baka may matinding pagtutol sa
ginagawa namin.
di lang mailabas. di naman kinancel ni ka tony ang freedom of speech.
hindi pa huli para sa isang violent reaction.
3rd meeting
august 12
al khazna center
(karama)
sa balwarte ni lucy ang meeting. di nakarating si sir tony at sobrang late naman si eddie.
medyo ok na website namin,
pero di pa tapos,
tinamaan ng blasterworm ang pc ni henry. si ye nga rin na
virus ang pc…
may pandagdag na content pa
sa website na dala si nandy.
so siguro sa next meeting tapos na talaga ang website.
well dapat lang presentation na sa friday eh.
bawat isa pinakita rin ang mga nagawa na. si lily at si bheng may marquee sa sites.
cutie dating kaya si ye eh makikigaya rin.
si lily at bheng almost tapos na sa personal website. un kay vice nourley may picture pa.....
ni keannu.
though sa totoo lang medyo hawig nga
:P (Hmmmmmmmmm...!)
sa wakas kumain rin kami na magkakasama. ang part na matagal na hinihintay ni vice nourley.
doon nagkabistuhan na ng mga tinatago… na puro tsismoso pala
ang mga members hehehe.
dahil na inspire kami sa sinabi ni
sir milo na marami nagkakatuluyan sa html class,
sinubok naming i-match si bheng and eddie. kaso hanggang lobster lang kinahinatnan.
pero ewan din natin. baka madevelop din sa tulong ni henry.
ang susunod na meeting ay sa al riqqa na. yehey malapit na kina bheng!!!
CHIBUGAN TIME NA!!!!
Final Meeting ng Grupo?
august 14
sa flat ni (vice) nourley
medyo mahirap hanapin ang flat ni nourley. sa tapat daw ng basurahan.
e marami palang basurahan sa deira. kaya sa harap na lang kami
ng taj palace nagkita-kita.
dapat noon pa pala kami sa flat nila nag meeting. kasi masarap ang pagkain
sa bahay nila. champion ang banana cake at spaghetti. sana after ng
presentation eh mag invite uli siya sa bahay nila hehehe... or sa graduation
baka maghanda siya kasi maluwalhati nyang naipasa ang html course.
si bheng kung kailan malapit sa kanila eh tsaka di dumating.
si henry nasa trabaho pa. malamang si eddie eh magsisi at di siya nakapunta
sarap kasi ng pagkain. (pa'no pupunta e di naman tinawagan?).
wala si group leader. wala naman daw kc syang dead links.
impeachment trial sa susunod na meeting-sa al ain...sa bahay nya,
para magpakain naman. saan na kaya si carlo-the prodigal son?
may bisita ang grupo this time. c mang conrad. sundo-hintay-hatid kasi
si lucy at lily (the satwa girls).
meron pa kami nadiscover, cute pala anak ni vice nourley kahawig ni keannu.
si sir nourley din kamukha ni keannu?
@#%?*
si nandy nag volunteer na mag hugas ng plato niya
(di na hinintay na matapos kami para mahugasan na rin plato namin - wais talaga).
hirap nyan baka ampunin na ni sir nourley or e-hire na dishwasher.
panay picture-taking ng grupo. gusto kasing magpa-press release ni ye.
happy ending naman ang pag buo ng website na to.
parang maganda naman page namin. di kayo pwede tumutol.
beauty is in the eye of the beholder ;)......
BACK TO HOME
to top